BIG PANIMULA
PANUKALANG PAHAYAG
Ngayon sa Pilipinas, bakit kaya mas kinagigiliwan panoorin ang mga Indie Films kaysa sa mismong mainstream movies ng ating bansa. Ang dahilan kaya ay ang pagulit-ulit ng padron ng mga directors ng mainstream movies. Sa pananaliksik na ito, aming hahanapin at tatalakayin kung bakit nga ba mas tinatangkilik pa ang mga Indie films kaysa sa mismong gawa ng mga sikat na director ngayon sa Movie Industry scene ngayon.
INTRODUKSYON
Ang paksa ng pananaliksik na ito ay upang ipakita ang mga dahilan kung bakit nga ba at ano nga ba ang naguudyok sa mga tao upang mas tangkilikin nila ang Indie films kaysa sa mainstream films dito sa Pilipinas. Sa aming saliksik, aming hinahangad na masagot kung bakit nga ba nagiging mas popular ngayon ang mga Indie Films. Hindi naman kailangang o “necessary” natatalo ang mainstream sa Indie films kundi nagkakaroon ngayon ang mga pelikulang ito ng lugar o ground ngayon sa Industriya. Nais naming malaman kung ano ang mga rason kung bakit mas lumalakas ang hatak ngayon ng Indie films at kung anong ang meron ito at nauuso ito ngayon.
REBYU NG PAGAARAL
May isang artikulo tungkol sa abscbnnews.com “Indie films gaining ground in local movie industry”
Sa artikulong ito ay makikita ang isang panayam kay Meryll Soriano, inilahad niya ang isa sa mga dahilan kung bakit mas naiibigan ng mga artistang kagaya niya ang indie films kaysa sa mainstream na mga pelikula. Sa panayam na ito ay nabigyang empasis na isang bagay kung bakit mas tinatangkilik ang mga indi films kaysa sa mainstream na mga pelikula ay ang pagiging kumportable sa mga ginagampanang papel ng isang artista. sinabi rin dito na mas malaya ang paggawa ng indie films kaysa sa mainstreams na mga pelikula. Wala daw commercial considerations. Mas malaya silang sabihin at ilagay sa skript ang kahit na anong kanilang naisin. Isa ring dahilan na ibinigay ay sa kadahilanang walang pressure sa paggawa ng indi films, walang producers na magdidikta kung ano ang gusto ng isang tipikal na manonood. Nabangggit din na ang indie films ay mas may realidad kaysa sa mainstreams na mga pelikula, mas naipapakita nito ang mga buhay-buhay ng mga tao kaya mas naihahambing natin ang ating mga sarili sa mga indie na pelikula. Sinaad din dito na mas kakaunting pera ang kinakailangan upang makakumpleto ng isang indi film kaysa sa mainstream na pelikula.
Makikita na natin dito kahit mismong artista ayaw narin ang mainstream movie films ng Pilipinas.
LAYUNIN
Nais naming ipakita, sa pamamagitan ng pananaliksik na ito, sa kapwa naming mga Pilipino ung bakit mas patok at kinagigiliwan na ngayon ang mga Indie films kaysa sa mainstream. Gusto naming malaman nila kung bakit nagiging mas ngayon ang Indie films. Kung anong meron ang mga ganitong pelikula at bakit ito naiiba sa mainstream. Ito rin ay makakatulong sa mga gusto maging direktor at sa mga kasalukuyang direktor. Ito narin ay parang isang hamon sa mainstream movie directors upang baguhin ang mga ginagawa nilang pelikula dahil masakit mang isipin ay nakakasawa at paulit ulit na ang mga ginagawa nilang produksyon.
HALAGA
Ang pananaliksik na ito ay makakatulong sa mga tao na gustong malaman kung bakit mas gusto tangkilikin ng mga tao ang indie films kaysa sa mainstream films.
Maaari rin makita sa pananaliksik na ito ang pagkakaiba ng indie films sa mainstream films. Puwede ito maging basehan ng mga tao kung ano mas maganda sa indie films at mainstream films.
BALANGKAS
Ang pananaliksik na ito ay tumutukoy sa opinyon at palagay ng mga tao kung ano ang mas nagiging patok para sa kanila. Opinyon kung saan maipapahayag nila ang kanilang mga reaksiyon at mga komento ukol sa paksang,” ano ang mas patok at nasa panlasa ng mga tao ngayon, indie films ba o mainstream?” Mahalagang maging makibahagi sa pagbibigay ng mga palagay ang kabataan at pati na rin ang mga matatanda. Ito ay sa kadahilanan na iba ang nagiging panlasa ng mga kabataan kaysa sa hilig ng mga matatanda sa ngayon. At sa kabilang dako naman makakatulong ang bawat reaksiyon at palagay sa magiging partisipasiyon ng bawat mamamayan sa pag-unlad ng mga indie films at pati na rin ang mga mainstream.
METHODOLOHIYA
Ang pananaliksik na ito ay nagmimithing makakalap ng datos sa pamamagitan ng paggamit ng survey, pagkikipanayam sa mga taong bihasa sa larangan ng indie films at p. Ito ay upang malaman ang saloobin ng mga tao sa industriya ng pelikulang indie, mga direktor, artista at mga manonood ukol sa paksang ito. Mangangalap din ang mga mananaliksik ng mga datos mga artikulo ng dyaryo at magasins, mga dokyumentaryo at mga mas nauna pang pagaaral upang malaman ang dahilan kung bakit mas pabor ang mga tao sa indie films sa industriya ng pelikula
DELIMITASYON
Ang pananaliksik na ito ay sumasaklaw at bumabahagi sa lahat ng tao na ang mga hilig at panlasa ngayon ay nasa larangan ng movie industry. Lalong-lalo na ang mga kabataan. Sa kadahilanan na sila ang magiging manunuod at ang maghuhusga sa mga pelikulang ito. Mahalagang makuha natin ang kanilang mga palagay at pananaw ukol sa paksa na,”ano ang mas nagiging patok ngayon, indie films ba o mainstream?” Atin ring kukuhanan ng mga opinyon at reaksiyon ang mga estudyante sa may kamaynilaan at mga indie directors para dito. Makakatulong ang kanilang mga pananaw sa pag-unlad at pagyabong ng indie films at mainstream sa ating bansa at kapag magkataon pati na rin sa mga bansang internasyonal.
DALOY NG PAGAARAL
Kabanata 1 :
Nagisip isip muna kami at napagkasunduan namin na magsaliksik tungkol sa indie films. Kung bakit mas madaming mas gustong panuorin ang indie films kaysa sa mainstream films.
Kabanata 2:
Isinagawa na namin ang pakikipanayam sa mga estudyante, indie directors, at sa mga tao na may kinalaman sa aming paksa upang kunin ang kanilang opinyon. Matapos namin makuha ang mga datos ito'y inayos namin.
Kabanata 3 :
Pagkatapos kunin ang mga datos at ayusin, ito'y inalisa namin upang makita kung ito'y tumugma sa aming panukalang pahayag.
BIG KATAWAN
SMALL PANIMULA
Ano ba ang Mainstream Films at Indie Films dito sa Pilipinas? Ang mainstream movies ay yung mga usual na mga pelikulang nakikita natin sa mga sinehan. Lahat ng mga ito ay ginawa ng mga propesyonal na direktor at karamihan dito ay sikat at marami ng experience sa pagawa ng mga pelikula. Ang mga sineng ito ay normally nakatali sa mga corporation, commercial entities at mass media. Ano ba ang makikita natin sa mga Mainstream Films dito sa Pilipinas? Karamihan ng mapapanood natin ay puro love story o di kaya naman ay comedy. Ang mga sineng ito ay yung mga tipong alam mo na ang wakas bago mo pa makita. Pareparehas lang ang mga padron. Gasgas na. Halos lahat ng sine ay laging may mahirap na inaapi. Di kaya naman mahirap na nainlove sa mayaman. O di kaya naman horror comedy na gasgas na. Ang Indie films naman ay mga pelikulang ginawa lang ng mga low profile na mga direktor. Karamihan sa kanila ay sumusubok palang sa larangan ng pagawa ng mga sine. Halos lahat ng mga pelikula ng mga ito ay low budget films. Kaunti lang ang experience ngunit hindi takot sumubok ng mga kakaibang estilo. Sa Indie films walang limit o restriction sa pagawa. Kanya kanya ang pagawa kaya halos lagi kakaiba ang mga ito. Makikita natin na marami ang pagkakaiba ng dalawang klase ng pelikula. Sa pananaliksik na ito, nais namin malaman kung bakit nagkakaroon ng lugar ang mga Indie films sa industriya kahit karamihan dito ay low budget at ginawa lang ang karamihan ng mga low profile na direktor.
SMALL KATAWAN
Nagsagawa ang grupo ng isang survey sa mga kapwa Pilipino at karamihan sa kanila ay teenager hangang mid 20’s dahil sa tingin namin ay mas “movie goers“ dahil mas mataas ang porsiento ng mga kabataan na nanonood ng mga sine kaysa sa mga nakakatanda na.
SURVEY
TANONG: Ano mas gusto mo Indie films or Mainstream Films dito sa Pilipinas? Bakit?
Rudy Juanito: indie.. mas unique yung stories
Jop Quiazon: Indie. Walang kwenta mga mainstream films dito, panay kaslapstickan
Virgil Villaneuva : mainstream. Jologs mga indie eh
Paui Pena: Indie. They’re more creative.
Carlo Aquino: May kwenta ang Indie films.
Heidi Asuncion: Depende sa stroya. Pero mas okay pa rin sa akin yung mainstream.
Christopher Anrvadez: Indie. Something Different.
Nibbles Caling: Mas may Heart ang indie films, nakakrelate.
Rodel Utlang: Indie. Kasi sikat daw sa ibang bansa.
Erika Maglaqui: Indie. Mas maganda kwento
Luwalhati Villanueva: Indie. Kasi mas napapabilib tayo, hindi lang sa quality ng movie nakikita ang magagaling na actors. mas okay pa din yung reality na pinakikita ng indi films kasi mas nakakarelate yung mga tao na manonood.
Elaine Gueco: Indie. Ibang story.
Elizabeth Gutierrez: Fresh ang Indie.
Alfred de Leon: Apeal sa masa at mayayaman ang Indie.
Anne de Jesús: Indie kasi walang restriction
Stephen Lopez: Indie. Maliit ang budget napapaganda
Angelo Pelagio: Gasgas na mainstream.
Brissa Montemayor: Sikat na ang Indie kasi. Pangit ang Mainstream
Feesha Cañalita: mas maganda indie films kasi realistic ito. pinapakita dito ang talagang nangyayari sa totoong buhay.
Eric De Leon: mas maganda mainstream kasi mas okay yung kwento nito kesa sa indie films.
Philip Nodora: mas may substance yung indie films kaysa sa mainstream.
Archie Cullano: mainstream kasi mas ethical kaysa sa indie films.
Kevin Binwek: okay lang sa akin yung indie kasi creative pagkakagawa.
Jeuelle Escobido: Indie films nalang. Kasi nakaka-amaze yung tapang nila para magproduce ng isang film na hindi nila alam kung papatok ba sa masa.
Ralph Montoya: mainstream. kasi hindi ko masyado ma-appreciate ang indie films kasi mukhang rushed ang production, although maganda ang story nila.
Paolo Antonio Sullano: Indie films dahil may twist at kakaiba sa ibang mga movie sa mga sinehan
Julius Tabios: Spoonfed lahat pag mainstream. Nood ka lang.
Sa Survey na ito 28 ang aming natanungan. Apat lang sa kanila ang may gusto ng mainstream movies. At dalawa pa sa kanila ay nagdadalawang isip pa. Karamihan sa rason nila ay ang Indie films ay kakaiba. Iba ang pagkagawa, iba ang kwento ,nakakarelate ang karamihan at hindi paulit ulit.
PANAYAM INDIE DIREKTORS
Mga TANONG
1. Ano mayroon sa Indie Films na wala sa Mainstream?
2. Bakit kaya mas sumisikat ang Indie films?
3. Bakit mahina ang hatak ng Mainstream movies natin ngayon?
Nicolle Castillo
1. Sa indie may somewhat artistic license yung filmmaker.. sa mainstream nawawala un kasi hawak sila nung producer.
2. Kasi mas pinapakita nito ang reyalidad sa paligid (well, ito ung nakikita ng mga tao, kasi nga mas free sa pagmanipulate ng concept ang mga indie filmmakers)
3. I think di mahina... depende sa genre.
Sasha Palomares
1. Walang love team, walang studio system na parang kelangan lahat ng artista ng (example) ABS nandun, mas may freedom gumawa ng kung anu-anong storylines
2. because "cool" people are getting into it, because it's easy to hate mainstream, and because right now it's cool to be into anything INDIE
3. Mahina ang hatak ng mainstream films kasi hindi na sila nag-progress, they follow the same cookiecutter storylines and character archetypes, and they never offer anything new. People have become very cynical about mainstream filipino films, but this is not anyone's fault but for stupid producers and studios that just want to earn money.
Maita Lupac
1. CHUTZPAH
2. Two reasons: because they have themes which are not normally found in mainstream films and second because people are curious
3. because the market of the present themes these films have (class d,e) don't normally have the money to watch them.
Pagkatapos malaman ang mga sagot ng mga directors, nalaman namin na kahit iba iba ang kanilang mga opinión sa paksa. Halos parepareho nilang sinabi na ang Indie Films ay mayroong ma-ooffer na iba. Sinabi rin nilang tatlo na ang mainstream ay
Parehas ang mga tema ng mga mainstream movies ngayon.
Wakas
Matapos maipresenta ang mga datos, nalaman namin na mas madami ang gustong manood ng mga indie films kaysa sa sa mainstream films. Kaya mas gusto ng mga tao ang indie films dahil dito pinapakita ang talagang mga nangyayari sa araw araw na buhay ng tao.Tulad ng indie film na "Ang Pagdadalaga ni Maximo Olivers". Pinapakita dito ang buhay ng isang homosekswal kung paano siya nilait at inalipusta ng mga tao. Pinakita dito ang totoong ugali ng ibang mga tao sa isang homosekswal. Yan ay isa lamang sa mga halimbawa ng indie film. Ito ay kakaiba at “valid” sa kasulukuyang panahon kaya marami ang tumangkilik dito. Mayroong aspeto ng realidad itong mga pelikulang ito kaya gustong gusto ng mga tao. Samantalang sa mainstream films, paULIT ULIT lang ang nangyayari at hindi makatotohanan kaya nagsasawa na rin ang mga tao sa kakapanood ng mga ganun.
KONGKLUSYON
Sa aming pananaliksik aming napansin na mas lumalaganap ang mga indie films ngaun sa pilipinas, aming nalaman na malaki ang pagkakaiba nito sa mainstream na mga pelikula ayon sa ibat ibang tao na among napagtanungan. Nasasabi din dito na marami ang nagsasabi na mas malaman ang mga indie films kumpara sa mainstream.
REKOMENDASYON
Sa ngayon, marami na ang nagsisilabasan na mga bagong pelikula. Lalong-lalo na ito ay naging mga bahagi na ng buhay nating mga Pilipino. Nakasanayan na nating pumunta sa mga malls at sa mga sinehan upang manuod nito. Marahil ito ay nakakapagpaginhawa sa atin kapag tayo ay may mga problema at mga iniisip. Ang mga pelikulang ito ay nauuri ayon sa mga manunuod. Ang bawat mensahe at istorya sa mga pelikulang ito ay nakakaapekto ng husto sa mga isip ng bawat tao. Lalong-lalo na sa mga kabataan. Ito ay tumatatak sa kanilang mga mumunting isip at nagiging bahagi na ng kanilang mga buhay. Kung pareparehas nalang ang mga napapanood natin sa Mainstream Movies, walang mangyayari. Walang manonood. Walang matututunan at wala narin gagawa. Mahalagang dapat maging “fresh” ang ating mga pelikula sa ganoon ay tangkilikin ng mga Pilipino.